Wednesday, July 15, 2020

DOH Secretary Duque, binawi ang deklarasyong na-flatten na ang curve ng COVID-19 cases sa Pilipinas

Hindi komedyante si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, pero nagawa niyang patawanin ang marami dahil sa kanyang pahayag na nagtagumpay ang ating bansa na patagin ang kurba ng COVID-19 pandemic mula pa noong Abril 2020.


Hindi rin kontrabida sa pelikula at sa teleserye si Duque, pero sumiklab ang poot ng marami sa ating mga kababayan dahil sa kanyang sinabi sa isang online pre-State of the Nation Address forum ngayong hapon, July 15.

"We have successfully flattened the curve since April," deklara ng DOH secretary.

"The metrics for arriving at that conclusion of flattening the curve is actually, one, the case doubling time of the COVID-19 infection has actually become longer."

Ang mga pinakawalang salita ni Duque tungkol sa COVID-19 situation sa ating bansa ang dahilan para batikusin siya nang todo.

Muli ring nabuhay ang panawagang bumaba na siya mula sa puwesto na kanyang mahigpit na kinakapitan.

Walang gustong maniwala sa pahayag ni Duque dahil patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

As of today, July 15, umabot na sa 58,850 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Kasama sa bilang na ito ang 1,614 na namatay at 20,976 na gumaling.

Pagkatapos tumanggap ng mga masasakit na puna dahil sa kanyang deklarasyong napatag na ang kurba ng COVID-19 cases sa bansa, binawi ni Duque sa pamamagitan ng mga tweet ang kanyang mga naunang pahayag.

Pahayag niya: "I would like to clarify my statement made earlier during the Pre-SONA on flattening the curve.

"Our case doubling time in April passed the 3 day doubling time mark; NOW, July 15 - it is at 8 days CDT (past the 7-day doubling time mark). Read more at pep.ph

No comments: