Ito ang apela ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo na nasasaktan sa mga batikos laban sa kanyang kapatid na si Erwin Tulfo.
Nagsimula ang problema ni Erwin nang murahin at batikusin nito sa kanyang radio program na Tutok Erwin Tulfo si Retired General Rolando Bautista, ang current secretary ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).
Nagalit si Erwin dahil sinabihan siyang kailangan ng request bago niya mainterbyu si Secretary Bautista noong May 28, Martes.
Bahagi ng walang prenong pahayag ni Erwin: "Secretary Bautista, ha, ng DSWD, listen up and listen good.
"Tinatawagan ka namin para marinig ng mga kababayan nating mahihirap ang stand ng mga mahihirap, ha?
"Hindi yung sasabihan mo kami na sumulat muna kayo, five days, five days before.
"E, sino ka bang p*nyeta ka na kailangan ko pang sumulat-sulat sa iyo?
"Sampalin kita pag nakita kitang buang ka, e, wala akong pakialam ke retired general ka, mudmurin ko yung mukha mo sa inidoro!"
Inalmahan ito ng mga kasamahan ni General Bautista sa Philippine Military Academy, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.
Humingi ng paumanhin si Erwin at inamin nito ang pagkakamali.
Pero hindi sapat ang apology niya dahil tinanggalan siya ng security escorts, pati na ang kanyang mga kapatid.
Bukod sa binawi ang pagkakaroon nila ng security escorts, may balitang babawiin din ang baril ni Erwin.
Io ang labis na ikinababahala ni Raffy dahil may mga pagbabanta sa buhay ng kapatid.
Read more at pep.ph
No comments:
Post a Comment